^

Probinsiya

32 katao tiklo sa pagnanakaw ng artifacts

-
STA. CRUZ, Zambales – Umaabot na sa 32 katao ang iniulat na dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Coast Guard at PNP makaraang tangkaing nakawin ang mga sinaunang Chinese artifacts na nasa ilalim ng karagatan ng nasabing lalawigan.

Apat din bangkang-de-motor at ilang kagamitang pansisid sa ilalim ng dagat ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek.

Kabilang sa maninisid ng artifacts na ngayon ay kakasuhan ng paglabag sa PD 374 "Cultural Properties Prevention and Protection Act" ay nakilalang sina Quirino, Gregoria at Romeo Butaled, George at Felix Abulag, Rogelio Fernandez, Edgar Mengeti, Vicente Perjes, Rene Conde, Teddy Ogpa, Armando Dumaran, Joel at Jermile Tano, Alot Maranga, Ronnie Ebejos, Philip Macabanas, Leonilo Hernelo, Domingo Vilas, Alfredo Divas at Roberto Manalo.

Kasama rin sa dinakip ng mga tauhan ni Sta. Cruz PNP Chief Insp. Eugene Sapasap ay sina Erwin Monterola, Carlos Vitor at ang iba pang hindi nabanggit ang mga pangalan.

Samantala, pormal namang ibinigay ni Phil. Coast Guard Commandant Reuben Lista ang tinatayang aabot sa 500 narekober na Chinese relic mula sa lumubog na galleon noong 14th century sa pamunuan ng National Museum sa pamumuno ni Director Fr. Gabriel Casal. (Mga ulat nina Erickson Lovino at Jeff Tombado)

vuukle comment

ALFREDO DIVAS

ALOT MARANGA

ARMANDO DUMARAN

CARLOS VITOR

CHIEF INSP

COAST GUARD

COAST GUARD COMMANDANT REUBEN LISTA

CULTURAL PROPERTIES PREVENTION AND PROTECTION ACT

DIRECTOR FR

DOMINGO VILAS

EDGAR MENGETI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with