Coed nagbigti ng matalo ang kandidato

JOLO,- Isang 19-anyos na estudyante ang iniulat na nag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalwa ng madaling araw makaraang mabalitaan nito na ang kanyang ibinotong Gubernatorial bet ay natalo noong nakalipas na eleksyon.

Ang biktimang si Jobel Alih ay luhaang umuwi ng kanilang bahay matapos na iproklama si dating Muslim guerilla leader Yusop Jikiri na bagong gobernador laban sa natalong gubernatorial bet na si Sakur Tan ng Sulu island.

"Hindi matanggap ni Jobel ang illegal na proklamasyon ni Jikiri kaya nagdesisyon itong magpakamatay, pahayag ng kapatid na si Melvin Alih.

Show comments