^

Probinsiya

Pari kinidnap ng mga NPA

-
Dinukot ng 20 armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang pari sa panibagong karahasan na naganap sa Sa Jose City, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame mula kay Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO) Director, Sr. Supt. Raul Bacalzo, nakilala ang biktima na si Dakila de Guzman, isang Aglipayan Parish priest na nakabase sa Brgy. Kita-Kita sa nasabing lalawigan.

Sa pagsisiyasat, kasalukuyang naglilinis ng kulungan ng kanyang mga alagang baboy ang biktima kahapon ng madaling araw sa likod lamang ng kanyang bahay sa Sitio Santiago nang bigla na lamang sumalakay ang mga rebeldeng komunista.

Napag-alaman na sumalakay ang mga rebelde dahil sa reklamong natanggap ng mga ito mula sa kanilang tagasuporta na nagtatago ang pari ng matataas na kalibre ng baril at ng illegal na droga sa loob ng bahay nito.

Masusing sinusuyod ng mga operatiba ng pulisya ang lugar na sinasabing pinagtataguan ng mga rebelde sa kinidnap na pari. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGLIPAYAN PARISH

CAMP CRAME

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA POLICE PROVINCIAL OFFICE

RAUL BACALZO

SA JOSE CITY

SITIO SANTIAGO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with