3 kidnaper nasakote
May 23, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlo sa limang miyembro ng tinaguriang "Esting Gang" na pinaniniwalaang sangkot sa pagkidnap sa dalawang trader noong buwan ng Marso at Mayo ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan PNP, PIIB at 303rd CIDG kamakalawa ng hapon sa magkakahiwalay na lugar sa nasabing bayan.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Armadoo Cabral, 40, ng Baesa, QC; Alfredo Concepcion, 53, alyas Totoy Bulldog ng Sta. Maria, Bulacan at si Luisito Comia, 45, alyas Louie ng San Jose Del Monte.
Sinabi ni Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, na ang nasabing grupo ay pangunahing suspek sa pagkidnap kina Jake Ocampo ng Pateros, MM at Marco Sia na ipinatubos sa kanilang pamilya ng halagang P270,000 bawat isa kaya napalaya ang dalawang biktima.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing grupo ay lumilinya sa carnapping, gun running, drug pushing at kidnapping sa Region III at ilang bahagi ng Kalakhang Maynila. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest