^

Probinsiya

4 preso todas sa pulis

-
SAN FERNANDO, Masbate -Apat sa walong preso na pinaniniwalaang inilabas mula sa bilangguan ng Masbate Municipal Jail ng mga kandidato noong nakalipas na eleksyon ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya noong Mayo 14 sa Brgy. Buena Suwerte ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing preso na sina Romeo Bacolod, Gerry Agao, Rodolfo Capinig at Jun Damocol na pawang may mga kasong murder. Habang ang mga kasamahan naman nitong tinutugis pa ng pulisya ay nakilalang sina Fred Castro, Eddie Castro, Lino Cabiles at Agog Magallanes na pawang mga may kasong rape at murder.

Naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga preso at PNP dakong alas-4:30 ng hapon habang nagpapatrolya ang isang grupo ng PNP sa nasabing brgy.

Nabatid sa ulat ng pulisya na namataan ng isa sa walong preso na may dalang matataas na kalibre ng baril ang nagpapatrolyang grupo ng PNP at kaagad nitong pinaputukan.

Gumanti naman ang mga kagawad ng pulisya at ng maglaho ang makapal na usok mula sa magkabilang panig ay nakabulagta na ang apat subalit ang apat na natirang buhay ay nakuhang makapuslit.

Kinilala ni Provincial PNP Director C/Supt. Roberto Delfin ang leader ng walong preso na si dating Masbate Provincial Jail warden Charlie Quidato na nakalabas ng naturang bilangguan sa pamamagitan ng hindi kinilalang pulitiko.

Ayon pa sa ulat, ginamit ng mga pulitiko sa naturang lalawigan ang walong preso upang maghasik ng karahasan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AGOG MAGALLANES

BUENA SUWERTE

CHARLIE QUIDATO

DIRECTOR C

ED CASULLA

EDDIE CASTRO

FRED CASTRO

GERRY AGAO

JUN DAMOCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with