^

Probinsiya

3 DILG staff nabaril ng escort, todas

-
Tatlong empleyado ng lokal na pamahalaan ang napatay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan kabilang ang isang Assistant Election Officer makaraang aksidenteng makalabit ang baril ng isang pulis escort ng isang Comelec Registrar sa naganap na madugong insidente sa Wao, Lanao del Sur kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Elias Tahir, Mpl. Treasurer ng Bumbaran, Jalil Minbalaug, Support Staff ng DECS sa Bumbaran at Faisal Dipatuan, COMELEC Registrar ng nasabing lugar.

Ang insidente ay sanhi ng pagkasugat nina Tanto Gandawali, Assistant Election Officer ng Bumbaran at Quirino Romba, DECS Supervisor ng Wao, Lanao del Sur.

Kinilala naman ang pulis na aksidenteng nakabaril sa mga ito na si PO1 Abdul Islak, miyembro ng Security Mobile Group (SMG) Police Regional Office (PRO) 12 at nakatalaga bilang security/escort ng nasawing si Dipatuan.

Batay sa ulat, naganap ang pangyayari dakong alas-6:30 ng umaga sa loob mismo ng 1502nd Police Mobile Group (PMG) Office sa Wao ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang nagka-canvass umano ng boto ang mga biktima ng biglang aksidenteng makalabit ni Islak ang gatilyo ng dala nitong M14 rifle at di sinasadyang mapatay ang mga biktima.

Agad namang naaresto ang suspek at ikinulong sa Wao Municipal Jail habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDUL ISLAK

ASSISTANT ELECTION OFFICER

BUMBARAN

COMELEC REGISTRAR

ELIAS TAHIR

FAISAL DIPATUAN

JALIL MINBALAUG

JOY CANTOS

LANAO

WAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with