32 ballot boxes na inagaw narekober mula sa MILF
May 18, 2001 | 12:00am
Matagumpay na narekober ng mga elemento ng militar ang kabuuang 32 ballot boxes na inagaw ng isang grupo ng mga armadong kalalakihan na umanoy mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at masugid na supporters ng isang reelectionist mayoralty bet sa isinagawang operasyon sa ilang mga barangay sa Pikit, Cotabato kamakalawa.
Base sa report sa Camp Aguinaldo, dakong ala-6:00 ng umaga ng maganap ang unang insidente ng pang-aagaw ng mga ballot boxes na naglalaman ng binibilang na mga boto sa Brgy. Gocotan, Pikit ng nasabing lalawigan.
Mabilis na nagresponde ang mga elemento ng 401st Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Obaob at narekober ang 26 ballot boxes na itinago ng mga suspek sa mosque ng Brgy. Bulod.
Pasado alas-5 ng hapon ng marekober naman ang anim pang ballot boxes na may markang Gocotan 52-A, 52A3, 52A1 at 51-A1 sa Manuel Quezon St., Poblacion, Pikit. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended