^

Probinsiya

Campaign leader sinaksak ng mag-ama

-
MONREAL, Masbate – Isang campaign leader ng mayoralty bet ang malubhang nasugatan makaraang pagtulungang saksakin ng mag-aamang supporter ng talunang kandidato sa Almodal St., ng bayang ito kamakalawa ang umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Oscar Letada, 52, binata, obrero at residente ng Morales St. ng naturang bayan.

Samantala, ang mag-aamang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Orlando Cajandab Sr., 56, Orlando Jr. at Joseph, 36, may asawa at pawang mga residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 7:30 ng umaga habang ang biktima at mag-aamang suspek ay nagkasalubong sa gitna ng kalsada ng nasabing lugar.

Dahil sa natalo ang sinusuportahang mayoralty bet ng mga suspek laban sa nanalong kandidato ng biktima ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa pagtulungan saksakin ng mga suspek si Letada. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALMODAL ST.

AYON

DAHIL

ED CASULLA

MORALES ST.

ORLANDO CAJANDAB SR.

ORLANDO JR.

OSCAR LETADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with