^

Probinsiya

2 polling precint pinasabog

-
Niyanig ng magkakasunod na pagsabog ang dalawang eskuwelahan na pinagdarausan ng ‘canvassing’ ng mga boto sa magkakahiwalay na karahasang pinaniniwalaang kagagawan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sultan Kudarat at Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang unang insidente bandang alas-8:30 ng gabi nang bigla na lamang paulanan ng Rocket Propell Grenade launcher ang canvassing area ng Columbio National High School sa bayan ng Columbio, Sultan, Kudarat.

Sa isang insidente, nasa kainitan ng pagbibilang ng mga balota sa Banisilan Central School sa Banisilan, Cotabato ng bigla na lamang may isang di pa nakikilalang lalaki ang bigla na lamang maghagis ng granada at sa likuran ng paaralan ito sumabog.

Bagaman wala namang nasaktan sa magkakahiwalay na insidente ng pagsabog ay binalot ng tensyon ang mga nagsisilbing Board of Canvassers dahil sa pangha-harass ng mga suspek.(Ulat niJoy Cantos)

BAGAMAN

BANISILAN

BANISILAN CENTRAL SCHOOL

BOARD OF CANVASSERS

CAMP AGUINALDO

COLUMBIO

COLUMBIO NATIONAL HIGH SCHOOL

COTABATO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ROCKET PROPELL GRENADE

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with