Eskuwelahan hinagisan ng granada
May 15, 2001 | 12:00am
INDANG, Cavite Isang eskuwelahan na pagdarausan ng botohan ang pinasabog ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Alulod ng bayang ito.
Dakong alas 3:15 ng madaling-araw ng hagisan ng 2 granada ang Alulod Elementary School ng mga hindi nakikilalang kalalakihan sakay ng isang kulay pulang kotse na walang plaka.
Nabatid sa mga guro na mangangasiwa sa naturang botohan sa nasabing eskuwelahan na dakong alas 4 pa ng madaling-araw ay balak na nilang dalhin ang mga election materials subalit may nakapagsabi na pinasabog na ang nasabing lugar na naging dahilan ng pagkawasak ng pintuang bakal sa harapan.
Pinabulaanan naman ng magkabilang panig ng magkalabang kandidato sa pagka-alkalde sa nasabing bayan na may kinalaman sila sa naganap na pagpapasabog na walang iniulat na nasugatan.
Samantala, nabatid naman sa karamihang mga botante sa Bacoor at Imus, Cavite na may mga kalalakihang nag-aabot ng sample ballot na may kasamang halagang P200 hangang P300. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest