2 polling precints sinunog
May 15, 2001 | 12:00am
Sinunog ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang pakawala ng isang desperadong pulitiko ang dalawang polling precincts upang isabotahe ang bilangan ng mga balota sa Brgy. Soro-Soro, Mambjao, Camiguin, ayon sa ulat ng pulisya.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong ala-1:40 ng madaling araw ng magsimulang kumalat ang apoy sa Clustered Precincts 59-A at 59-A1 sa dalawang silid aralan ng Soro-Soro Elementary School sa Brgy. Soro-Soro ng nabanggit na lalawigan.
Ang nasabing polling precincts ay nasa ilalim ng superbisyon nina Mr. Enrique Retor, Chairman ng Board of Inspectors at ang mga miyembro nitong sina Susan Gamo, Poll Clerk at Robie Namoco.
Bunga nito, mabilis na nagresponde ang mga bumbero na tinulungan na rin ng mga concerned citizens na nagbabantay sa bilangan upang mailikas ang mga election paraphernalia.
Agad namang naapula ang apoy ng walang nasunog na election paraphernalias subalit tinatayang umaabot sa P.5 milyon ang nilikhang pinsala ng naganap na sunog. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended