Campaign headquarters pinasabog: 3 patay, 28 grabe
May 14, 2001 | 12:00am
Tatlo katao ang nasawi habang 28 pa ang malubhang nasugatan makaraang hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang campaign headquarters ng isang mayoralty bet sa Brgy. Barurai, Sultan Sa Barongis, Maguindanao, kamakalawa ng gabi.
Sa isang phone interview, sinabi ni Col. Romeo Calizo, Chief ng Intelligence Office ng 6th Infantry Division (ID) ng Phil. Army na nakabase sa Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao, ang insidente ay naganap pasado alas-11 ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Mama Apon, Baka Imblawa at Saguitar Mama na pawang dead-on-the-spot sa insidente matapos mapuruhan ng tama ng sumambulat na granada. Ang mga itoy pawang mga aktibong supporters ni Sultan Sa Barongis mayoralty candidate Datu Malumpil Utto.
Gayunman, sa kabuuang 28 nasugatan ay 17 pa lamang ang nakilala na sina Sahid Utto, Minton Alba, Apon Akmad, Marouph Utto, Imani Estrada, Pax Dalgan, Tukal Mamayog, Tatal Sali, Sinangulan Apon, Paumpia Utto, Jun Adam, Didikan Alba, Maguid Utto, Linda Utto, Bal Zoraida Utto, isang tinukoy sa pangalang Edgar at ang security escort ng mayoralty candidate na si Sgt. Candido ng Phil. Army.
Napag-alaman na ang mga biktima ay abalang-abala para sa isinasagawang paghahanda ng partido kaugnay ng gaganaping eleksiyon ngayong araw nang bigla na lamang hagisan ng granada ng mga suspek.
Sa kabila nito, ayon pa sa opisyal, ay hindi rin nila inaalis ang posibilidad na miyembro ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga suspek.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am