^

Probinsiya

Hepe ng pulisya tinodas sa kanyang tindahan

-
CAMP OLIVAS, Pampanga — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang isang Chief of police habang ito ay nagbubukas ng kanyang tindahan sa Bgy. San Jose, Concepcion, Tarlac, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Enrique "Ike" Galang, nakilala ang tinambangang biktima na si P/Insp. Cezar Mangune, 46, residente ng Bgy. San Jose, Concepcion ng naturang lalawigan at Chief of police ng Concepcion PNP Station.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaslang dakong alas-6:15 ng umaga makaraang pagbabarilin nang malapitan ang biktima ng dalawang hindi kilalang lalaki na kapwa armado ng kalibre .45 baril.

Matapos ang pananambang sa biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Si Mangune ay dating nakatalaga sa Provincial Police Headquarters sa Camp Macabulos, Tarlac City bago itinalaga bilang hepe ng pulisya sa bayan ng Concepcion, Tarlac, may dalawang buwn pa lamang ang nakakalipas at naging hepe ng Provincial Police Task Force Ligtas-Daan. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BGY

CAMP MACABULOS

CEZAR MANGUNE

CONCEPCION

DIRECTOR CHIEF SUPT

JEFF TOMBADO

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL POLICE HEADQUARTERS

PROVINCIAL POLICE TASK FORCE LIGTAS-DAAN

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with