Nakilala ang biktima na si Policarpio Velarde, 45, may asawa, laborer, at residente ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na kaagad namang nasakote ay kinilalang si Lodovico Pongan, 42, biyudo, magsasaka at residente rin ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi kamakalawa.
Lango sa alak at armado ng kutsilyo ang suspek nang bigla na lamang lapitan ang biktima at walang sabing inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Napag-alaman na ang biktima ay nakikipagpulong sa ilang mga residente tungkol sa nalalapit na eleksiyon.
Nabatid na ang biktima ay naging masigasig sa kampanya na magkaroon ng isang tahimik na eleksiyon sa kanilang lugar dahil sa nagiging iba na ang takbo ng pulitika sa kanilang lugar.
May teorya ang pulisya na ang naganap na krimen ay may kinalaman sa pulitika. (Ulat ni Ed Casulla)