Batay sa ulat na nakarating kahapon sa AFP Headquarters, dalawa rin sa panig ng Regional Development Force/Chairman Security Group (RDF/CSG) ni Misuari ang nasawi sa sagupaan na kinilala sa mga pangalang Ibrahim Hussein at isang tinukoy sa alyas na Kasim.
Inaalam pa kung may nasugatan sa kasamahan ng mga ito na mabilis na nagsitakas.
Sa panig ng tropa ng militar, kinilala ang napaslang na si Cpl. Enreras ng Armys Scout Rangers ng 104th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Jolo, Sulu.
Ang mga nasugatang sundalo ay nakilala namang sina Pfcs Jopparad Leoning, Regalado Balones, Joselito Mendoza, Edwin Bogowan, Boyet Dagulag, Alfredo Lopez, Deony Alomoete, Ruby Estrada, Rey Amora, Julian Figurasion, Henry Apolinario at Cpl. Edward Gumpad.
Ang mga itoy kasalukuyang nasa AFP Southcom Hospital sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang misencounter ay nag-ugat sa kawalan ng pakikipagkoordinasyon ng tropa ng militar sa mga awtoridad ng bayan ng Pangutaran sa mga tauhan ni Misuari.
Naitala ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa bisinidad ng dalampasigan ng Sitio Bait-Bait, Bgy. Simbahan, Pangutaran, Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)