Mis-encounter ng MNLF vs militar: 3 katao todas,12 pa grabe
May 13, 2001 | 12:00am
Labindalawang sundalo ang malubhang nasugatan samantalang isa ang nasawi matapos ratratin ng mga armadong tauhan ni Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor at Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari ang mga biktima sa pag-aakalang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na misencounter sa dalampasigan ng Pangutaran, Sulu, ayon sa ulat kahapon.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa AFP Headquarters, dalawa rin sa panig ng Regional Development Force/Chairman Security Group (RDF/CSG) ni Misuari ang nasawi sa sagupaan na kinilala sa mga pangalang Ibrahim Hussein at isang tinukoy sa alyas na Kasim.
Inaalam pa kung may nasugatan sa kasamahan ng mga ito na mabilis na nagsitakas.
Sa panig ng tropa ng militar, kinilala ang napaslang na si Cpl. Enreras ng Armys Scout Rangers ng 104th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Jolo, Sulu.
Ang mga nasugatang sundalo ay nakilala namang sina Pfcs Jopparad Leoning, Regalado Balones, Joselito Mendoza, Edwin Bogowan, Boyet Dagulag, Alfredo Lopez, Deony Alomoete, Ruby Estrada, Rey Amora, Julian Figurasion, Henry Apolinario at Cpl. Edward Gumpad.
Ang mga itoy kasalukuyang nasa AFP Southcom Hospital sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang misencounter ay nag-ugat sa kawalan ng pakikipagkoordinasyon ng tropa ng militar sa mga awtoridad ng bayan ng Pangutaran sa mga tauhan ni Misuari.
Naitala ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa bisinidad ng dalampasigan ng Sitio Bait-Bait, Bgy. Simbahan, Pangutaran, Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended