Sa apat na pahinang resolusyong ipinalabas ng Comelec 2nd Division na may petsang Mayo 11, 2001 at may lagda ni Presiding Commissioner Ralph C. Lantion, na nag-aatas sa Region IV director at provincial election supervisor na alisin sa opisyal na talaan ng mga pangalan ng kandidato si Gubernatorial bet Lazaro.
Inatasan din ng poll body ang local board of election inspectors na huwag ibilang ang boto para kay Lazaro sa halalan bukas at ikunsidera itong invalid.
Nabatid sa ipinalabas na resolusyon ng poll body na si Lazaro ay lumabag sa section 80 ng Omnibus Election Code noong Feb 7 na tinatayang aabot sa halagang P4.5 milyong pondo ang ginamit sa kanyang kandidatura.
Nadiskubre rin ng poll body ang ginawang paglabas ni Lazaro sa section 261 na may kaugnayan sa milyong pisong halaga ng bidding ng public works projects noong Marso 28, 2001 sa loob lamang ng isang araw.
Magugunitang si Lazaro ay sinuspindi ng tatlong buwan ng Sandiganbayan noong 1994 dahil sa paglabag sa anti-graft and corruption makaraang mapatunayan ang conversion ng agricultural land bilang residential area. (Ulat ni Ed Amoroso)