Bahay ng 2 mayoralty bet nasamsaman ng mga armas

MASBATE CITY — Matataas na uri ng armas ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Isla at 5th CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) matapos na lusubin nito ang compound ng bahay ng mayoralty bet at incumbent mayor sa bayan ng Dimasalang at Pio V. Corpuz kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang ginawang pagsalakay sa bahay ni mayoralty bet Roger Hao, naganap dakong alas-4:30 ng umaga base sa bisa ng search warrant ni Judge Antonio Alfane ng Branch 9 RTC ng lungsod ng Legazpi.

Nakumpiska ng pulisya ang 2 ingram assault rifle, 7 kal. 45 baril, 1-kal 38, 1-kal 22, 18-pirasong cap ng PNP, 30 pirasong unipormeng fatigue at mga bala.

Samantala, ang bahay naman ni incumbent mayor Simplicio Avila ng Pio V. Corpuz ay nilusob dakong alas-6:45 ng umaga dahil sa search warrant ni Judge Jacinta Tambago ng RTC Br. 8 ng Masbate City. Nakumpiska rito ang 2 M-16 armalite rifle at 1 fragmentation grenade at mga bala. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments