^

Probinsiya

Gobenardora pinagbibitiw sa puwesto ng mga residente

-
Hinihiling ng mga residente sa lalawigan ng Laguna na magbitiw na sa kanyang puwesto si Laguna Gov. Ningning Lazaro bunsod na rin sa mga katiwaliang kinasangkutan nito.

Sa isinagawang rally ng iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mahihirap na magsasaka, mga estudyante at mangingisda at iba pang non-government organizations (NGOs) sa harap ng kapitolyo, pinagbibitiw sa puwesto si Lazaro bilang gobernador ng Laguna dahil sa pagkansela sa mga scholars ni dating gobernador at ngayo’y DILG Secretary Jose Lina Jr., iba pang mga anomalyang kinasasangkutan nito tulad ng illegal conversion ng mga patubigang sakahan at illegal na pagpapatayo ng ospital sa mataong lugar sa bayan ng Sta. Rosa, Laguna na labag sa zoning ordinance ng pamahalaang bayan ng Sta. Rosa.

Sinabi pa ng mga nagra-rally na sobra na umano sa P52,162,451.62 ang ginastos ni Lazaro sa pondo. (Ulat ni Ed Amoroso)

ED AMOROSO

HINIHILING

IBA

LAGUNA

LAGUNA GOV

LAZARO

NINGNING LAZARO

SECRETARY JOSE LINA JR.

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with