5 negosyante minasaker
May 11, 2001 | 12:00am
Limang negosyante ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos tadtarin ng saksak at pagnakawan ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan na nanloob sa tinutuluyang bahay ng mga biktima sa Asuncion, Davao del Norte, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang kinilalang sina Gerry Galos, Totoy, ng Tupi South Cotabato, isang kinilala sa alyas na Boyet ng Iloilo City; Marti Liboon at Viriglio Ococa, kapwa naninirahan sa Asuncion.
Kinilala naman ang isa pang kasamahang nasa kritikal na kondisyon na si Genecasio Talisic Oros Jr. ng Mawab, Campostella Valley na kasalukuyan pang inoobserbahan sa Davao Regional Hospital sa Tagum City.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng mga biktima sa Purok 5, Bgy. Canatan, Asuncion na pinasok ng mga magnanakaw.
Napag-alaman na walong kalalakihan na pawang armado ng patalim ang huling namataan ng mga residente sa nasabing lugar na pumasok sa tahanan ni Anting Antolin na tinutuluyan ng mga biktima.
Kabilang sa mga natangay ng mga magnanakaw ang halagang P50,000 mula sa panindang kalamansi at mga prutas ng mga biktimang biyahero na dumarayo pa sa pagnenegosyo sa nasabing lugar.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang motibo ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended