4th termer na vice-mayoralty bet pinapa-disqualify

Hiniling kamakailan ng nakararaming residente ng Olongapo City sa pamunuan ng Commission of Elections (Comelec) ang pagdiskuwalipika sa kandidatura ni vice-mayoralty bet Cynthia Cajudo dahil sa paglabag nito sa itinakdang batas ng Comelec.

Ayon sa mga residenteng nagsumite ng reklamo na may petsang April 17, 2001 kay Atty. Lydia Florantino, provincial election officer sa Iba, Zambales na i-disqualify ang kandidatura ni Cajudo dahil sa pang-apat na termino na nito at lumabag sa saligang batas ng Comelec na nag-uutos na hindi lalagpas sa tatlong consecutive terms ang kandidatura ng isang kandidato sa katulad din na puwesto.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi na nakatatanggap ng aksyon ang mga residente hinggil sa nasabing isyu. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments