^

Probinsiya

Mayor Talaga Jr., hindi dinis-qualify-Comelec

-
LUCENA CITY — Tinapos na ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang agam-agam ng mga residente ng lungsod na ito tungkol sa status ni incumbent City Mayor Ramon Talaga Jr. hinggil sa kanyang disqualification case na isinampa ni Vice-Mayor Raymundo Adormeo, kumakandidatong mayor.

Sa isang press conference na isinagawa kahapon ay iprinisinta ni Talaga ang isang resolusyon ng Comelec en banc na idinedeklara na siya ay kuwalipikadong tumakbo sa pagka-mayor ngayong darating na halalan.

Ang resolution ay nilagdaan ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo at ng tatlong commissioners. Pinagbatayan ng mga ito ang paliwanag ng panig ni Talaga na ito ay hindi nahalal ng tatlong sunud-sunod na termino.

Nauna nang nagsampa ng petition for disqualification laban kay Talaga si City Vice-Mayor at ngayo’y mayoralty bet Raymundo Adormeo subalit ito ay ibinasura ng Provincial Comelec.

Nagdesisyon naman ang 1st division na idiskuwalipika si Talaga hanggang sa itinaas ang usapin sa Comelec en banc na dito nga ay nagdesisyon na si Talaga ay kuwalipikadong tumakbo sa halalan. (Ulat ni Tony Sandoval)

CITY MAYOR RAMON TALAGA JR.

CITY VICE-MAYOR

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

PROVINCIAL COMELEC

RAYMUNDO ADORMEO

TALAGA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with