^

Probinsiya

2 bangkay ng Japanese divers natagpuan na

-
Natagpuan na kamakalawa ng hapon ang dalawang bangkay ng Japanese national diving instructors makaraang mawala ang mga biktima habang nagtuturo sa mga estudyanteng Hapones noong Sabado sa karagatan ng Siquijor Island.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Yoshimasa Shiotani, 48, may-ari ng diving shop sa Nara Prefecture, at si Megumi Kono, 28, babae, ng Suita, Osaka Prefecture, Japan.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Ramon Moreno, isang Pinoy professional diver ang unang nakakita sa mga biktima may 80 metro sa ilalim ng nabanggit na karagatan.

Sa impormasyong nakalap mula sa pitong estudyanteng divers, ang mga biktima ay nagkaroon ng problema sa kagamitan sa paghinga habang ang mga ito ay sumisisid sa ilalim ng naturang karagatan bago mawala.

Kasalukuyang dinala ang mga bangkay ng biktima sa Dumaguete City malapit sa Isla ng Negros.

vuukle comment

AYON

DUMAGUETE CITY

HAPONES

MEGUMI KONO

NARA PREFECTURE

OSAKA PREFECTURE

RAMON MORENO

SIQUIJOR ISLAND

YOSHIMASA SHIOTANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with