Minahan sa Samar, pinasususpendi ng DENR
May 7, 2001 | 12:00am
Iniutos kamakailan ni Environment and Natural Resources Secretary Heherson Alvarez na suspendihin ang lahat ng mining operation sa lalawigan ng Samar.
Ang direktiba ay batay sa memorandum na inisyu sa Mines and Geoscience Bureau Region 8 Director Oscar Rodriguez para patigilin ang operasyon ng Hinatuan Mining Corporation (HMC) na pinangangasiwaan ng isang Salvador Zamora II, malapit na kaanak ni dating Executive Secretary Ronaldo Zamora.
Nabatid na ang hakbang ay ginawa ni Alvarez nang malaman mula kay Eastern Samar Gov. Ruperto Ambil Jr. na isang tao na ang napaslang at may 2 iba pa ang nasugatan nang isang 10 wheeler truck na pagmamay-ari ng HMC ay sumagasa sa mga anti-mining protesters noong Abril 30, 2001 at isa pang empleyado ng HMC ang napaslang dahil sa katulad na insidente.
Una nang nirereklamo ng mga residente ng nabanggit na lugar gayundin ng sektor ng simbahan ang maanomalyang operasyon ng naturang kumpanya na wala namang konsultasyon sa kanila.
Sinasabing maging ilang marine protected areas at protected landscapes ay napapasok na din ng operasyon ng nasabing kumpanya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended