^

Probinsiya

Governatorial bet, aarestuhin sa kasong insurance fraud sa US?

-
LUCENA CITY – Ipinadadakip ng korte ang dating gobernador ng lalawigan ng Quezon na ngayon ay muling kakandidato dahil sa insurance fraud sa bansang Amerika.

Batay sa direktiba ng National Capital Judicial Region City of Manila, Branch 7, inatasan nito ang lahat ng chief of police sa lalawigan na arestuhin si Quezon Ex-Governor Eduardo Rodriguez at ang asawa nitong si Imelda Gener Rodriguez.

Pinagbatayan ng lokal na korte ang umano’y nilalaman ng extradition treaty sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at United States of America.

Batay sa desisyon ng USA California Court, si Rodriguez at ang asawa nito ay fugitive from justice matapos na masangkot sa malakihang insurance fraud sa naturang bansa, may ilang taon na ang nakalilipas.

Idineklara umano ni Rodriguez na patay na ang kanyang asawang si Imelda kung kaya ito ay nakakolekta ng malaking insurance claim.

Si Rodriguez ay nakatatlong termino ng pagiging gobernador ng Quezon at palaging nananalo sa mga eleksyon kahit na ibinabato sa kanya ng mga kalaban sa pulitika ang isyu tungkol sa insurance fraud na mahigpit nitong pinabubulaanan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BATAY

CALIFORNIA COURT

IMELDA GENER RODRIGUEZ

NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION CITY OF MANILA

QUEZON

QUEZON EX-GOVERNOR EDUARDO RODRIGUEZ

SI RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with