Councilor bet tinodas sa rally
May 7, 2001 | 12:00am
JOVELLAR, Albay Isa na namang kandidato sa pagka-konsehal ng bayan na ito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagsasalita sa rally sa Barangay Salvacion sa bayan na ito, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na kaagad na nasawi na si Barangay Captain Antonio Mancera, 53, may asawa, residente ng Barangay Rizal ng naturang lugar at kumakandidato sa ilalim ng partidong Peoples Power Coalition (PPC).
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay nagsasalita sa rally na isinagawa sa naturang barangay at dinaluhan ng mga residente dito.
Tatlong mga kabataan na rebelde na pawang armado ng kal .45 baril ang bigla na lamang na nilapitan ang biktima habang nagsasalita at isinagawa ang krimen.
Napag-alaman na ang biktima ay binatikos ang grupo ng makakaliwa sa kanyang pananalita sa harapan ng mga residente lalo na ang mga karahasan na pawang kagagawan ng mga rebelde sa kanilang bayan.
Nabatid na hindi makatiis ang tatlong mga kabataan na rebelde na nakikinig sa rally kung kaya ito ay inakyat sa ibabaw ng stage at agawin ang mikropono dito at saka paulanan ng sunod-sunod na putok.
Maging ang mga dumalo sa naturang rally ay nabigla sa kanilang nasaksihan na pangyayari kung kaya ang mga ito ay nagtakbuhan sa ibat ibang direksiyon.
Matapos ang ginawang pamamaslang ng mga rebelde sa kanilang biktima, ang mga ito ay nagsalita pa na ang sino mang kandidato na babatikos sa kanilang samahan ay kanilang papatayin. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest