Pondo ng Laguna Provincial Capitol nawawala?
May 6, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P106 milyong pondo ng Laguna Provincial Capitol ang nawawala sa hindi maipaliwanag na kadahilanan buhat ng lisanin ni DILG Sec. Joey Lina na dating gobernador ng naturang lalawigan.
Isinalin ni Laguna Gob. Joey Lina ang pagka-gobernador sa kanyang bise na si Ning-Ning Lazaro makaraang hirangin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Enero 2001.
Nabatid pa na nagmistulang mega mall ang naturang kapitolyo dahil sa makikitang punong-puno ng gamit-pang-sports partikular na ang trophies at marami pang ibang gamit sa bahay.
Nabunyag din na sumobra pa ang gastos ng halagang P7 milyon kaysa sa pumasok na pera mula sa buwan ng Enero 2001.
Dahil umano sa hindi maipaliwanag na paggastos ng Lazaro Administration sa naturang lalawigan ay naubos na ang P106 milyon pondo na iniwan ni DILG Sec. Lina.Kasalukuyan namang sinisiyasat ang pagkakaroon ng Advance Allotment General Fund para sa proyekto na sakop halos hanggang Disyembre 2001.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended