Nadakip din ng mga operatiba ng Masbate PNP si Assistant Provincial Administrator Efren Abejuela, 27, na may dalang 9mm baril ng walang kaukulang papeles sa Comelec checkpoint sa Brgy. Palocale, Dimasalang.
Kinilala ng pulisya ang gobernatorial bet na lumabag sa Comelec gun ban na si Romeo T. Torres Jr., 28 ng Bato, Catanduanes habang ang tatlo nitong aide ay nakilalang sina Domingo Tublena, empleyado ng Provincial capitol, Ricardo dela Cruz, 51 at Antonio Pabla, security guard ng DECS at residente ng Daet, Camarines Sur.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, ang grupo ni Torres ay hinarang sa Comelec checkpoint ng magkakasanib na elemento ng 5th Regional Mobile Group at Virac Police Station sa pamumuno ni P/Inspector Jose Orayan matapos na makatanggap ng impormasyon na nag-iingat ang mga ito ng mga baril na walang lisensiya.
Dahil dito, hinalughog ng mga pulis ang sasakyang Toyota LiteAce (TPE-152) na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga baril at bala na kinabibilangan ng isang caliber .45 pistol, dalawang high cap magazines, 20 rounds ng bala para sa cal. 45 pistol, isang motorola GP 88 portable radio at isang panaksak.
Ang mga suspek ay kasalukuyan nang nakaditine sa detention cell ng Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)