^

Probinsiya

Governatorial bet, 3 aide tiklo sa gun ban

-
Posibleng ma-disqualify at makalaboso ang isang governatorial bet dahil sa pagdadala nang baril na walang dokumento kasama na ang tatlo nitong security escorts sa isinagawang Comelec checkpoint sa Brgy. Bigaa, Virac , Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Nadakip din ng mga operatiba ng Masbate PNP si Assistant Provincial Administrator Efren Abejuela, 27, na may dalang 9mm baril ng walang kaukulang papeles sa Comelec checkpoint sa Brgy. Palocale, Dimasalang.

Kinilala ng pulisya ang gobernatorial bet na lumabag sa Comelec gun ban na si Romeo T. Torres Jr., 28 ng Bato, Catanduanes habang ang tatlo nitong aide ay nakilalang sina Domingo Tublena, empleyado ng Provincial capitol, Ricardo dela Cruz, 51 at Antonio Pabla, security guard ng DECS at residente ng Daet, Camarines Sur.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, ang grupo ni Torres ay hinarang sa Comelec checkpoint ng magkakasanib na elemento ng 5th Regional Mobile Group at Virac Police Station sa pamumuno ni P/Inspector Jose Orayan matapos na makatanggap ng impormasyon na nag-iingat ang mga ito ng mga baril na walang lisensiya.

Dahil dito, hinalughog ng mga pulis ang sasakyang Toyota LiteAce (TPE-152) na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga baril at bala na kinabibilangan ng isang caliber .45 pistol, dalawang high cap magazines, 20 rounds ng bala para sa cal. 45 pistol, isang motorola GP 88 portable radio at isang panaksak.

Ang mga suspek ay kasalukuyan nang nakaditine sa detention cell ng Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

ANTONIO PABLA

ASSISTANT PROVINCIAL ADMINISTRATOR EFREN ABEJUELA

BRGY

CAMARINES SUR

CATANDUANES

CATANDUANES PROVINCIAL POLICE OFFICE

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

COMELEC

DOMINGO TUBLENA

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with