^

Probinsiya

Pastor na dinukot ng NPA, pinalaya na

-
Matapos ang mahigit tatlong Linggong pagkakabihag pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s (NPA) ang kinidnap na Pastor sa isang liblib na lugar sa bayan ng Nagtipunan, Quirino, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang pinakawalang lider ng simbahan na si Pastor Marcos Lopez ng Independent Church (Iglesia Independiente de Filipinas).

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, si Lopez ay kinidnap ng mga rebeldeng NPA na nag-ooperate sa lalawigan ng Quirino matapos na mapagkamalan itong espiya ng militar at balakid sa kanilang illegal na aktibidades.

Ayon sa imbestigasyon, si Pastor Lopez ay kasalukuyang lulan ng kaniyang sasakyan sa kilometer 18 Aurora patungo sa tahanan nito sa Sitio Dicoraban, Brgy. Dismungal, Nagtipunan ng nasabing lalawigan ng dukutin ng mga rebelde noong nakalipas na buwan.

Sinabi ni Mrs. Victoria Callbuso, anak ni Pastor Lopez na inilihim nila ang pagdukot sa kanyang ama matapos na bantaan sila ng mga rebeldeng papaslangin sa oras na magsuplong sa pulisya.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Quirino Provincial Police Office (QPPO) ang kaso habang naglunsad na rin ng hot pursuit operations upang tugisin ang grupo ng mga rebelde na responsable sa nangyaring pagdukot sa naturang pastor. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

IGLESIA INDEPENDIENTE

INDEPENDENT CHURCH

JOY CANTOS

MRS. VICTORIA CALLBUSO

NAGTIPUNAN

NEW PEOPLE

PASTOR LOPEZ

PASTOR MARCOS LOPEZ

QUIRINO

QUIRINO PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with