Mag-utol, pinsan minasaker sa palaisdaan
May 5, 2001 | 12:00am
CASTILLA, Sorsogon Isang magkapatid at kasamahang pinsan ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin ng magkakapatid na mahigpit na kalaban sa negosyo habang ang mga biktima ay nagbabantay ng palaisdaan kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Bagulayag sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Benjamin at Edgardo Aringo. Kabilang din sa namatay ay si Carlito Lasala na pawang mga residente ng Sitio Muladbucad, Brgy. San Isidro ng nabanggit na lugar.
Samantala, si Roger Aringo naman ay malubhang nasugatan ay isinugod ng kanilang kaibigan sa Sorsogon Provincial Hospital dahil sa tama ng bala ng armalite sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Tinutugis naman ng pulisya ang magkakapatid na sina Reynaldo, Amas at Caset Las Piñas na pawang mga residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay ng bangkang de motor ang mga suspek na armado ng malalakas na kalibre ng baril dakong alas-12:00 ng madaling araw nang ratratin ng mga ito ang magkakapatid na Aringo habang nagbabantay sa kanilang palaisdaan.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, ang dalawang magkalabang pamilya ay matagal ng may lihim na alitan sa negosyong palaisdaan at hindi akalain ng magkakapatid na Aringo na gagawin ang maitim na balak ng pamilya Las Piñas.
May teorya ang pulisya na magkakaubusan ng lahi ang magkalabang pamilya dahil sa naganap na trahedya sa nasabing lugar. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest