Kinilala ng pulisya ang biktima na si Phillip Sanchez ng Patindig-araw ng nasabing bayan.
Samantala, ang hindi nakilalang lalaki na mabilis na tumakas mula sa kinaganapan ng krimen ay nabigong makuha ang cellular phone ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-6:30 ng hapon kamakalawa habang nakaupo ang biktima sa kanilang owner type jeep at hinihintay ang ina mula sa loob ng palengke ng Imus.
Tinangka ng suspek na agawin ang pinaglalaruang cell phone subalit ito ay nanlaban hanggang undayan siya ng saksak ng patalim.
Mabilis naman isinugod ang biktima sa Imus Family Hospital dahil sa tinamong apat na tama ng saksak ng patalim. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)