^

Probinsiya

Estudyante lumaban sa snatcher ng cellphone tinusok

-
IMUS, Cavite – Isang14-anyos na estudyanteng lalaki na tinangkang agawan ng cell phone bago pumalag sa isang hindi kilalang snatcher ang malubhang nasugatan makaraang saksakin ang biktima, kamakalawa ng hapon sa palengke ng naturang lugar.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Phillip Sanchez ng Patindig-araw ng nasabing bayan.

Samantala, ang hindi nakilalang lalaki na mabilis na tumakas mula sa kinaganapan ng krimen ay nabigong makuha ang cellular phone ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-6:30 ng hapon kamakalawa habang nakaupo ang biktima sa kanilang owner type jeep at hinihintay ang ina mula sa loob ng palengke ng Imus.

Tinangka ng suspek na agawin ang pinaglalaruang cell phone subalit ito ay nanlaban hanggang undayan siya ng saksak ng patalim.

Mabilis naman isinugod ang biktima sa Imus Family Hospital dahil sa tinamong apat na tama ng saksak ng patalim. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

IMUS FAMILY HOSPITAL

KINILALA

MABILIS

PATINDIG

PHILLIP SANCHEZ

SAMANTALA

TINANGKA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with