4 guro patay, 11 grabe sa banggaan ng truck at van
May 4, 2001 | 12:00am
Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng apat na guro habang 11 pa ang grabeng nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang van sa kasalubong na rumaragasang truck sa kahabaan ng national highway ng lalawigan ng Ilocos Norte, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Isabel Lasaten, Eugene Kablog, Marcelina Gonzales at Corazon Elizalde, pawang mga taga-Benguet Province.
Gayunman, hindi naman kaagad nabatid ang pangalan ng 11 sugatang biktima bagamat lahat ng mga ito ay mabilis na isinugod sa Sinait Municipal Hospital sa Ilocos Sur para malapatan ng lunas.
Batay sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense, naganap ang aksidente bandang alas-3:00 ng hapon nitong Miyerkules habang tinatahak ng mga biktima lulan ng isang van, ang kahabaan ng national highway sa Barangay Piit, Badoc na matatagpuan sa hangganan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Nabatid na sumalpok ang nasabing sasakyan sa isang rumaragasang Elf truck sa pakurbadang bahagi ng highway. Hindi napag-alaman sa ulat kung sumuko ang driver ng truck sa mga awtoridad.
Lumalabas pa sa inisyal na imbestigasyon na ang mga biktima ay pabalik na sa kanilang pinapasukang paaralan matapos ang isang araw na field trip sa ilang lugar sa lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am