^

Probinsiya

Salesman lumaban sa holdaper, tinodas

-
UNISAN, Quezon – Isang salesman ng isang malaking kumpanya ng sigarilyo ang binaril at napatay ng dalawang di-kilalang holdaper makaraang pumalag ang biktima sa mga suspek sa Barangay Muliguin sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng di pa mabatid na kalibre ng baril sa mukha ay nakilalang si Ismael Mendoza, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Rosario, Gumaca, Quezon at empleyado ng Fortune Tobacco.

Tumakas naman ang mga suspek tangay ang kinulimbat nilang pera ng biktima na maghapong collection.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Perfecto Molato, officer-on-case, dakong alas-4:30 ng hapon ay binabagtas ng biktima na lulan ang Canter Van na may plate no. UKA 990 kasama ni Alberto Murjin ang kahabaan ng highway sa naturang barangay.

Patungo na umano sa bayan ng Gumaca, Quezon ang dalawa ng sila ay harangin ng dalawag armadong lalaki at agad na nagdeklara ng holdap.
Nang pumalag ang biktima ay binaril ito ng dalawang suspek at pagkaraan ay tinangay ang collection money na nagkakahalaga ng P100,000 habang tumakbo naman papalayo ang driver ng biktima upang iligtas ang sarili. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ALBERTO MURJIN

BARANGAY MULIGUIN

BARANGAY ROSARIO

CANTER VAN

FORTUNE TOBACCO

GUMACA

ISMAEL MENDOZA

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with