Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marissa Andaya at residente ng nabanggit na lugar.
Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang mga kapitbahay dakong alas 9 ng gabi kamakalawa na nakabitin sa naturang puno na may ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.
Sa impormasyon ng pulisya, lumalabas na ang mag-asawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa natuklasan umano ng biktima na may nililigawang babae ang kanyang mister.
Nabatid sa pulisya na binalewala umano ng asawa ng biktima ang pag-aaway at nakipag-inuman pa sa kanyang mga kapitbahay na lalaki.
May teorya ang pulisya na matinding dinamdam ng biktima ang naturang pangyayari kaya naisipang pagpakamatay. (Ulat ni Ed Casulla)