^

Probinsiya

Selosang misis, nagbigti

-
PLACER, Masbate – Dahil sa matinding selos sa kanyang mister, isang 16-anyos na misis ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa puno ng Mangga kamakalawa ng gabi sa Brgy. Marop ng naturang bayan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marissa Andaya at residente ng nabanggit na lugar.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang mga kapitbahay dakong alas 9 ng gabi kamakalawa na nakabitin sa naturang puno na may ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.

Sa impormasyon ng pulisya, lumalabas na ang mag-asawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa natuklasan umano ng biktima na may nililigawang babae ang kanyang mister.

Nabatid sa pulisya na binalewala umano ng asawa ng biktima ang pag-aaway at nakipag-inuman pa sa kanyang mga kapitbahay na lalaki.

May teorya ang pulisya na matinding dinamdam ng biktima ang naturang pangyayari kaya naisipang pagpakamatay. (Ulat ni Ed Casulla)

BRGY

DAHIL

ED CASULLA

KINILALA

MANGGA

MARISSA ANDAYA

MAROP

MASBATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with