3 sundalo, 1 NPA rebels todas sa engkuwentro
May 1, 2001 | 12:00am
Tatlong sundalo at isang rebelde ang iniulat na nasawi , samantalang apat pa ang malubhang nasugatan sa naganap na madugong engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista sa isang liblib na lugar sa Biglis, Surigao del Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Gayunman, hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay bineberipika pa rin ng mga awtoridad ang pangalan ng mga nasawi at nasugatang mga biktima.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-6 ng umaga noong Sabado habang nagsasagawa ng combat operations ang mga elemento ng 62nd Infantry Battallion ng Phil. Army sa kahabaan ng Road Main Line Junction, Road 14m Km.23, Sitio Mangtuyom, Barangay San Roque, Bislig City nang makasagupa ang tinatayang may 100 NPA guerillas.
Agad na nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig na tumagal din ng halos isang oras bago tuluyang tumalilis ang mga rebelde patungo sa kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended