^

Probinsiya

2 lungsod kokontrolin ng Comelec dahil sa karahasan

-
BACOLOD CITY – Posibleng ipasailalim sa kontrol ng Commission on Election (Comelec) ang dalawang siyudad sa Negros island matapos ang naganap na pag-ambush sa Canlaon City sa Negros Oriental at sa pagkapaslang sa isang mataas na lider ng rebelde sa Escalante City, Negros Occidental noong nakalipas na Sabado ng gabi.

Kaugnay nito, inamin ng mga rebeldeng New People’s Army Larangan Guerilla 3 ang responsibilidad sa ambush-slay ni Canlaon Vice-mayor Jose Cardenas at sa lima pa nitong supporters noong nakalipas na Biyernes.

Magugunitang pauwi na ang grupo ni Cardenas buhat sa isinagawang pangangampanya ng ambusin ng mga suspect.

Samantala, inamin naman ng local National Police leadership na dalawa sa kanilang pulis ang sangkot sa pagkapaslang kay RPA-ABB regional commander Danilo Dumdum, alyas Ka Abel sa may poblasyon sa Escalante City noong Sabado.

Si Dumdum ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril buhat kina PO2 Ricardo Quambot at SPO2 Angel Sinadian. (Ulat ni Antonieta Lopez)

ANGEL SINADIAN

ANTONIETA LOPEZ

ARMY LARANGAN GUERILLA

CANLAON CITY

CANLAON VICE

DANILO DUMDUM

ESCALANTE CITY

JOSE CARDENAS

KA ABEL

NATIONAL POLICE

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with