Si Danilo Afalla at dalawa pang hindi nakikilalang suspects ay nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay sa karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang misis na si Recy,40 at tatlo nilang anak na sina Chinee Claire, 13; Mark Anthony, 11 at Michael Angelo, 5.
Ayon kay SPO3 Rufino Barbosa Jr., na ang nakatakdang pagsasampa ng kaso sa mga salarin ay magbibigay daan din para sa paghaharap ng extradition case laban kay Danilo na nagawang makalabas ng bansa bago pa man madiskubre ang krimen.
"Kaduda-dudang agad na aalis ang isang ama kahit na nga may nangyaring masama sa kanyang pamilya", ayon kay Chief Inspector Narciso Verdadero, provincial PNP intelligence officer.
Magugunitang ang pamilya Afalla na naninirahan sa Taytay, Rizal ay dumating dito noong nakalipas na Marso 7, ng taong kasalukuyan para sa kanilang isasagawang pagbabakasyon.
Abril 2, sinabing umakyat sa Baguio City ang mag-anak at mula noon ay wala nang balita sa kanila hanggang sa matagpuan nga ang labi ng mag-iina noong Abril 18. (Ulat ni Charlie Lagasca)