^

Probinsiya

Nagmakaser sa mag-iina; kakasuhan ng multiple murder

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Nakatakda nang sampahan ng kasong murder ng mga awtoridad ang isang seaman at dalawang iba pa kaugnay nang pagmasaker sa mag-iina na natagpuang bahagyang ibinaon sa putikan sa gilid ng Magat River noong nakalipas na Abril 18.

Si Danilo Afalla at dalawa pang hindi nakikilalang suspects ay nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay sa karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang misis na si Recy,40 at tatlo nilang anak na sina Chinee Claire, 13; Mark Anthony, 11 at Michael Angelo, 5.

Ayon kay SPO3 Rufino Barbosa Jr., na ang nakatakdang pagsasampa ng kaso sa mga salarin ay magbibigay daan din para sa paghaharap ng extradition case laban kay Danilo na nagawang makalabas ng bansa bago pa man madiskubre ang krimen.

"Kaduda-dudang agad na aalis ang isang ama kahit na nga may nangyaring masama sa kanyang pamilya", ayon kay Chief Inspector Narciso Verdadero, provincial PNP intelligence officer.

Magugunitang ang pamilya Afalla na naninirahan sa Taytay, Rizal ay dumating dito noong nakalipas na Marso 7, ng taong kasalukuyan para sa kanilang isasagawang pagbabakasyon.

Abril 2, sinabing umakyat sa Baguio City ang mag-anak at mula noon ay wala nang balita sa kanila hanggang sa matagpuan nga ang labi ng mag-iina noong Abril 18. (Ulat ni Charlie Lagasca)

vuukle comment

ABRIL

BAGUIO CITY

CHARLIE LAGASCA

CHIEF INSPECTOR NARCISO VERDADERO

CHINEE CLAIRE

MAGAT RIVER

MARK ANTHONY

MICHAEL ANGELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with