Pinag-imbakan ng WW II bombs, nadiskubre
May 1, 2001 | 12:00am
TACLOBAN CITY – Nadiskubre kamakalawa ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) ng Phil. National Police (PNP) sa Eastern Visayas ang isang lugar na pinaniniwalaang pinagbabaunan ng may pinakamalaking bilang ng World War II bombs sa bansa.
"Ito ang pinakamalaking recovery ng World War II ammunition sa buong bansa", ayon kay EOD Eastern Visayas Chief Pantaleon Estojero.
Ang pagkakatuklas sa mga vintage explosives ay naganap matapos ang malakas na pagsabog na naramdaman sa ilang bahagi ng siyudad noong Linggo ng hapon.
Ang pagsabog ay na-traced na nagmula sa isang abandonadong compound sa Barangay 64, Calanipawan sa naturang siyudad at hindi naglaon ay doon nahukay ang bunton ng World War II bombs.
Wala namang iniulat na nasugatan sa naganap na pagsabog, gayunman tinatayang may 50 kabahayan na malapit sa naturang lugar ang bahagyang naapektuhan.
"Mistulang intensity 7 na lindol ang aming naramdaman sa lakas ng pagsabog", ayon sa negosyanteng si Rosendo Yap. Jr.
Kinumpirma ni SPO4 Pantaleon Estojero na may 155 Howitzer ammunitions ang naitago sa naturang site sa loob ng may 20 taon hanggang sa madiskubre nga ito noon lamang Linggo.
Sa unang paghuhukay, nasamsam ng mga bomb experts ang may 40 piraso ng bomba na may habang 24 inches long.
Sinabi pa ng EOD team na aabutin ng 15 araw ang isasagawang retrieval operation para maialis ang mga explosives sa naturang lugar na banta sa buhay ng maraming mga mamamayan. (Ulat ni Ulysses Torres Sabuco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended