Sa pahayag ni Paiton sa korte na siya ang bumaril sa mag-aamang sina Blas Climacosa, noong 1998 at sa dalawa nitong anak na sina Eugenio at Raymond na pinatay noong 1986 at 1987 sa bayan ng Nasugbu sa utos umano ni 3rd District Cong. Napoleon Beratio na noon ay alkalde ng Magallanes.
Sa ginawang pagdinig sa sala ni Manila RTC Judge Teresa Soriaso ng Branch 27 na hindi sinipot ni Beratio at tanging abogado lamang nitong si Atty. Arturo Varias ang dumating at sinabi na abala ang kanyang kliyente sa pangangampanya.
Umaasa naman sina State Prosecutor Roberto Lao at Mark Jalandoni na magiging mabilis ang proseso ng paglilitis ng kaso dahil sa matibay na ebidensiya na kanilang hawak at paglitaw ng testigo na si Paiton.
Malaki naman ang hinala ng pamilya ng biktima na delaying tactics ang ginagawa ng kampo ni Beratio para magtagal ang kaso. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)