Seaman na nagmasaker sa mag-iina may 'sayad'?
April 29, 2001 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Viscaya May sakit sa isip ang seaman na pangunahing suspect sa pagmasaker sa kanyang misis at tatlong anak na natagpuang bahagyang ibinaon sa putikan sa Magat River dito, noong nakalipas na Abril 18.
Ito ang inihayag kahapon ni Eddie Panopio, nakatatandang kapatid ng pinaslang na misis, kasabay nang pagsasabing ang kanyang bayaw na si Danilo Afalla ay sumailalim sa gamutan sa loob ng apat na buwan sa isang hindi binanggit na mental institution noong nakalipas na taon bago ito bumalik sa abroad.
Si Eddie na kasalukuyan nasa lalawigan ay siyang nangangasiwa sa libing ngayon (April 25) ng kanyang pinaslang na kapatid na si Recy, 40 at mga pamangkin na sina Chinney Claire, 13; Mark Anthony , 11 at Michael Angelo, 5 makaraang mabigo silang ibalik sa kanilang bayan sa Lipa City ang labi ng mga ito dahil na rin sa suliraning pinansiyal.
Sinabi ni Eddie, 45, na mangangailangan sila ng P35,000 para mai-transport ang mga labi ng biktima, bukod pa dito ang kinakailangan nilang P80,000 para naman sa embalming services.
Binanggit ni Panopio na noong nakalipas na taon ay nagbakasyon sa bansa ang kanyang bayaw na seaman, dito niya napansin na nagbago ang pag-uugali nito dating masayahin ay naging seryoso.
Nabanggit din umano sa kanya ni Danilo na pinaghihinalaan nito ang kanyang shipmates na naglalagay ng cocaine sa iniinom niyang kape.
Magugunitang ang pamilya Afalla na naninirahan sa Taytay, Rizal ay dumating sa lalawigan noong nakalipas na Marso 30 para magbakasyon makaraang umuwi sa bansa ang suspect noong nakalipas na Marso7.
Noong Abril 2, umakyat patungong Baguio City ang mag-anak subalit simula noon ay hindi na nakabalik ang mga ito hanggang sa makita ang mga labi ng mag-iina sa Magat River noong Abril 18.
Matapos na isangkot ng pulisya at mga ahente ng NBI si Danilo bilang pangunahing suspect sa karumal-dumal na krimen, nagawa na nitong makalabas ng bansa noong nakalipas na Abril 19 lulan ng Lufthansa aircraft patungong Frankfurt, Germany na doon ito kumuha ng panibagong flight patungong Estados Unidos na doon naman nakahimpil ang barkong pinagtatrabahuhan nito.
Sinabi ni Chief Inspector Narciso Verdadero, provincial police intelligence officer na gumagawa sila ng paraan para makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Miami para maibalik sa bansa ang suspect. (Ulat ni Charlie Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended