^

Probinsiya

Dalagang dinukot ng ASG, ginawang asawa

-
Hindi isang kaso ng kidnap-for-ransom ang nangyaring pagdukot sa isang dalagang Muslim ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang namamalengke sa Jolo, Sulu, kamakailan.

Nilinaw ni Brig. Gen. Romeo Dominguez, commander ng binuong Joint Task Force (JTF) Comet na siyang naatasang dumurog sa ASG na ang biktimang kinilalang si Nucom Undali, 32, ay dinukot upang gawing asawa ng isa sa mga opisyal ng naturang grupo.

"Hindi ito isang kaso ng kidnap-for-ransom, nasa culture na kasi ng mga Muslim bandits na kapag may nagugustuhang dalaga ay dinudukot upang hindi na makawala pa at ganito ang nangyari kay Undali", pahayag ni Dominguez .

Ayon kay Dominguez, nagpakasal na si Undali sa isa sa mga opisyal ng ASG upang ibangon ang kanyang karangalan.

Ang pagpapakasal ng biktima sa hindi binanggit na pangalan ng kilalang opisyal ng ASG ay isinagawa ng isang Muslim Iman matapos na tanggapin ng pamilya nito ang malaking halaga ng dowry na ibinayad ng kanyang napangasawa.

Magugunita na si Undali ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan habang namamalengke sa Jolo, Sulu at tinangay sa kagubatan ng Talipao noong nakalipas na linggo.

Imbes na manghingi ng ransom ang mga bandido ay sila pa ang nagbigay ng dowry sa pamilya ng kanilang dinukot. (Ulat ni Joy Cantos )

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AYON

DOMINGUEZ

JOINT TASK FORCE

JOLO

JOY CANTOS

MUSLIM IMAN

NUCOM UNDALI

ROMEO DOMINGUEZ

UNDALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with