^

Probinsiya

32 ballots boxes, election paraphernalias nasamsam

-
Tatlumpu’t dalawang ballot boxes at bulto-bulto pa ng mga election paraphernalias na hinihinalang gagamitin sa pandaraya sa May 14 polls ang nasamsam ng mga operatiba ng militar sa isang checkpoint sa Parang, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, ang nasamsam na mga ballot boxes at election paraphernalias ay walang kaukulang dokumento na nagpapatunay ng legalidad nito mula sa Commission on Elections (COMELEC).

Napag-alaman na dakong alas-4 ng hapon ng maharang ng mga elemento ng Phil. Marines ang isang Ford Fierra na walang plaka na naglalaman ng naturang mga kagamitan habang patungo sa bayan ng Buldon sa bisinidad ng Barangay Nituan, Parang ng nasabing lalawigan.

Wala namang maisagot ang dalawang sibilyang kinilalang sina Nasser Balibig at Eddie Baylan na siyang nahulihan ng nasamsam na ballot boxes at election paraphernalias na nagsabing napag-utusan lamang sila na ibiyahe ang mga ito sa Provincial Capitol ng Sultan Kudarat at Buldon, Maguindanao.

Naghihinala ang mga awtoridad na posibleng gagamitin sa pandaraya ng ilang mga tiwaling lokal na opisyal ang nakumpiskang mga ballot boxes at mga election paraphernalias bagaman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY NITUAN

BULDON

CAMP AGUINALDO

EDDIE BAYLAN

FORD FIERRA

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

NASSER BALIBIG

PROVINCIAL CAPITOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with