Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktima na si Carlos Guevarra, 50, ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang nagpapahinga sa loob ng tahanan ang biktima dakong alas-10 ng umaga ng ito ay pasukin ng dalawang armadong kalalakihan na kapwa nakasuot ng bonnet at saka malapitang binaril ng .45 pistola ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Mabilis na nagsitakas ang mga salarin matapos ang isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)