OFW tinodas ng 2 maskarado
April 27, 2001 | 12:00am
MEXICO, Pampanga Sabog ang ulo at tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang mga armadong kalalakihan habang nagpapahinga sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Calubasa, Mexico, Pampanga, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktima na si Carlos Guevarra, 50, ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang nagpapahinga sa loob ng tahanan ang biktima dakong alas-10 ng umaga ng ito ay pasukin ng dalawang armadong kalalakihan na kapwa nakasuot ng bonnet at saka malapitang binaril ng .45 pistola ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Mabilis na nagsitakas ang mga salarin matapos ang isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended