Ayon sa City Health Office, ang pinakahuling biktima ay ang isang taong gulang na si Stela Lidodoy.
Ang measles cases ay namonitor ng CHO makaraang magsagawa ng regular medical clinic sa naturang lugar ang mga health personnel.
Karamihan sa mga biktima ay mula sa lumad tribes na ang mga bahay ay natatayo malayo sa kabihasnan.
Kaugnay nito, nanawagan ang CHO nang mataas na budget para mapigilan pa ang paglaganap ng tigdas at iba pang nakakahawang sakit. (Ulat ni Edith Regalado)