^

Probinsiya

14 CAFGUs sumalakay sa kuta ng Sayyaf, dedo

-
ZAMBOANGA CITY – Tinatayang 14 na civilian volunteers ang iniulat na nasawi makaraang atakihin nila ang pinaglulunggaan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sumisip, Basilan na nag-ugat sa pagkakaroon ng matinding labanan, ayon sa pahayag kahapon ng military spokesman.

Ayon pa sa ulat marami rin ang iniulat na nalagas sa panig ng mga bandido makaraang masagupa ang mga militiamen na pinamumunuan ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) commanders Rohong de Guzman at Kadil Musadikan.

Binanggit pa ni Col. Juvenal Narcise, tagapag-salita ng Task Force Comet na ang matinding labanan ay nagsimula ng atakihin ng civilian volunteers ang grupo ni Khadafy Janjalani, Abu Asmad Salayuddi, alyas Abu Sabaya at isang Big Boy na may 60 mga armadong tauhan dakong alas-9 ng umaga noong nakalipas na Martes sa Sitio Sumapilong sa panulukan ng Barangay Sulluh at Kannap sa Tapiana Island.

Nabatid pa kay Narcise na ang grupo nina Janjalani at Sabaya ay napadpad sa Tapiana Island matapos na sila ay mataboy ng mga humahabol sa kanilang tropa ng pamahalaan.

"Labing-apat sa mga CVO ang nasawi, gayunman mas marami ang nasawi sa panig ng mga bandido", dagdag pa ni Narcise.

Idinagdag pa nito na narekober ng tropa ng pamahalaan ang may 50 matataas na kalibre ng baril buhat sa grupo ng mga bandido matapos na ipag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang all-out-war laban sa naturang grupo. (Ulat ni Roel Pareno)

vuukle comment

ABU ASMAD SALAYUDDI

ABU SABAYA

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY SULLUH

BIG BOY

JUVENAL NARCISE

KADIL MUSADIKAN

KHADAFY JANJALANI

TAPIANA ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with